Reaksiyong papel tungkol sa "Minsan May Isang Doktor"

Reaksiyong papel tungkol sa "Minsan May Isang Doktor" 

February 9,2025

Anong mararamdaman mo kapag ikaw ay napagsalitaan ng hindi maganda kahit hindi naman nila alam ang iyong pinagdaraanan? Itinampok sa storyang "minsan may Isang Doktor" ang doktor na matapang, may tiwala sa diyos at may paninindigan sa kaniyang napiling larangan. Mababasa rin sa kwento ang matinding galit at takot ng isang ama para sa kaniyang anak, dahil sa nag uumapaw na emosyon hinusgahan niya basta basta ang doktor. Pinapabatid ng kwentong ito na bago magsalita dapat muna nating e konsidera ang sitwasyon at mararamdaman ng bawat isa.

 Ang kwentong ito ay talagang makakapagpaantig ng puso ng mga mambabasa. Ito ay may malalim na sekretong itinatago. Akala ko tama ang sinabi ng isang ama na walang alam ang doktor sa kanyang nararamdamn dahil hindi siya ang nasa posisyon niya. Nasabihan ng masasakit na mga salita ng ama ang isang doktor dahil dala lamang ito ng natural na damdaming nag aalala at gusto lamang ng agarang tulong para maligtas ang anak. Sa kabila ng masasakit na salitang naibato ng ama ay nanatiling kalmado ang doktor at ipinasa Diyos ang lahat. Alam niyang hindi siya ang may hawak ng buhay ng isang tao ngunit siya ay may malaking tiwala sa diyos. Lahat tayo ay may kanya kanyang mga kwentong pinagdaraan na dapat harapin. Kakaiba Ang lakas ng doktor, na kahit siya ay naghihinagpis pa sa pagkamatay ng kaniyang anak ay nagawa parin niyang pumunta sa hospital at gawin ang kaniyang trabaho bilang isang doktor. Hindi dapat na ang ating mga karanasan lamang ang ating iniisip at binabaliwala ang mga taong may mas masakit pang kinakaharap kesa sa ating pinagdaraanan. Lahat ng nangyayari ay may dahilan at tanging ang diyos lang ang makapagpapasiya at may hawak sa ating buhay, kaya dapat siya ang ating kapitan sa ganitong sitwasyon.


Hindi natin mapapansin ang paghihinagpis ng isang tao base lamang sa kung ano ang ating nakikita. Kaya dapat tayong maging masusi at maingat sa ating binibitawang mga salita dahil hindi natin alam kung gaano ito makakaapekto sa taong ating kausap. Iba iba man tayo ng sitwasyon sa buhay, lagi nating tandaan na tayo ay pantay- pantay sa paningin ng diyos at dapat tayong manalig sa kaniya at ibigay sa kaniya ang ating tiwala. Lagi nating tandaan na tayo ay may mga pinagdadaraanang problema ngunit hindi dapat sarili lamang natin ang ating isipin, huwag nating baliwalain na may ibang tao na may mas masakit na pinagdaraan. Sa akdang ito ipinapahiwatig na huwag dapat tayong humusga at magpadala sa sariling emosyon at dapat manalig tayo sa diyos .


Hango ang reaksyong ito sa "Minsan May Isang doktor" na isinalin ni Ronaldo A. Bernales( Bernales, et al., pp.23-24).