Posts

Reaksiyong papel tungkol sa "Minsan May Isang Doktor"

Reaksiyong papel tungkol sa "Minsan May Isang Doktor"  February 9,2025 Anong mararamdaman mo kapag ikaw ay napagsalitaan ng hindi maganda kahit hindi naman nila alam ang iyong pinagdaraanan? Itinampok sa storyang "minsan may Isang Doktor" ang doktor na matapang, may tiwala sa diyos at may paninindigan sa kaniyang napiling larangan. Mababasa rin sa kwento ang matinding galit at takot ng isang ama para sa kaniyang anak, dahil sa nag uumapaw na emosyon hinusgahan niya basta basta ang doktor. Pinapabatid ng kwentong ito na bago magsalita dapat muna nating e konsidera ang sitwasyon at mararamdaman ng bawat isa.  Ang kwentong ito ay talagang makakapagpaantig ng puso ng mga mambabasa. Ito ay may malalim na sekretong itinatago. Akala ko tama ang sinabi ng isang ama na walang alam ang doktor sa kanyang nararamdamn dahil hindi siya ang nasa posisyon niya. Nasabihan ng masasakit na mga salita ng ama ang isang doktor dahil dala lamang ito ng natural na damdaming nag aalala ...